Connect with us

Aklan News

2 BAHAY AT ISANG TINDAHAN, TINUPOK NG APOY

Published

on

Kalibo-Wala nang natira kundi mga nauling na bahagi ng dalawang bahay at isang tindahan sa Road 8 Tolentino, Tigayon, Kalibo matapos masunog bandang alas 3:35 kaninang hapon.

Kinilala ni Fire Investigator FO1 Mark Jerome Mabacquiao ang mga may-ari ng bahay na sina John Leonard Dela Cruz, Gloven Cadorna, at Analyn Natabio, lahat residente ng nasabing lugar.

Base sa inisyal na imbestigasyon, nagsimula ang apoy sa extension wire ng tindahan nina Gloven Cadorna na naka tap sa bahay ni John Lynard Dela Cruz.

Mabilis umanong nasunog ang maliit na tindahan sanhi ng malakas na hangin kung saan nadamay naman ang bahay ni John Lynard at Analyn Natabio.

Tumagal ng humigit-kumulang 20 minutos ang sunog na pinagtulungang sugpuin ng dalawang fire truck ng BFP Kalibo.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa insidente na nag-iwan ng tinatayang P85,000.00 na pinsala sa mga nasunugan. Up

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *