Connect with us

Aklan News

WANTED SA KASONG RECKLESS IMPRUDENCE, ARESTADO

Published

on

New Washington –Arestado ang isang lalaking wanted sa kasong Reckless Imprudence pasado alas 11 kaninang umaga sa Brgy. Ochando, New Washington.

Sa joint operation ng New Washington PNP, CIDG Aklan, naaresto ang akusadong si Mars Armenio, 32 anyos ng nasabing lugar, sa bisa ng warrant of arrest na ibinaba ni Presiding Judge Alicia A. Cruz-Barrios nito lamang nakaraang May 28, 2020.

Pansamantala siyang ikinustodiya ng New Washington PNP para sa karampatang disposisyon, subalit pansamantalang makakalaya kapag makapagpiyansa ng P3,000.00.

Napag-alamang si Armenio ang akusadong nakabangga sa isang Toyota Wigo pasado alas 12:00 ng madaling araw noong October 28, 2019 sa Tigayon, Kalibo na nagdulot sa may-ari ng sasakyan ng pinsalang P18,000.00 matapos mabangga ang bumper nito.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *