Connect with us

Aklan News

TRAILER TRUCK NAAKSIDENTE SA BAYAN NG NABAS

Published

on

Nabas Aklan-Pinaniniwalaang nawalan ng kontrol sa manibela ang driver ng truck matapos itong maaksidinte kahapon mga dakong 1:40 ng hapon sa Pob. Nabas.

Ayon kay PSSgt. Melvin Alba ng Nabas PNP na mabilis umano ang takbo ng truck na minamaneho ni Jerry Agustin, 35 anyos kasama ang pahinante nitong si Alvin Iseta, 20 anyos.

Galing umano ang truck sa Iloilo at papunta na ng Caticlan, Malay ng mawalan ito ng kontrol pagdating sa kurbadang bahagi ng Pob. Nabas at bumangga ito sa bakod, puno ng mangga at poste ng street light

Nagtamo naman ng minor injury ang driver ng truck na si Agustin at pahinante nitong si Iseta.

Pansamantala namang nasa  kustodiya ng Nabas Pnp ang nasabing truck.

 

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *