Connect with us

Aklan News

LALAKING NAGLALAKAD, SINAKSAK NG ICE PICK, PATAY

Published

on

Numancia -Patay ang isang lalaki matapos saksakin ng ice pick mag-aalas 7:00 kagabi sa Bulwang, Numancia.

Nakilala ang biktimang si Jerry Rebustes, 57 anyos, habang patuloy pang pinaghahanap ang suspek na si Rocky Rivas, sa legal na edad, pawang residente ng nasabing lugar.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Numancia PNP, naglalakad pauwi ang biktima galing sa isang tindahan nang lapitan ng suspek at bigla lamang umanong sinaksak gamit ang ice pick.

Sugatan sa kaliwang tagiliran ang biktima na kaagad namang dinala sa ospital subalit binawian ito ng buhay.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga pulis habang tinutugis naman ang suspek.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *