Connect with us

Aklan News

LALAKING BUMARIL SA ASAWA NG KALAGUYO, KINASUHAN NA

Published

on

Image: kami.com.ph

Isinampa na ang kasong Attempted Homicide kaninang umaga laban sa suspek sa pagbaril sa asawa ng kanyang kalaguyo.

Ayon sa Kalibo PNP, kasong Attempted Homicide ang isinampang kaso sa akusadong si Edsel Iguban, 58 anyos ng Albasan, Numancia na naaresto rin kinalaunan matapos umanong barilin ang biktimang si Joseph Jun Refre, 42 anyos ng Tigayon, Kalibo.

Magugunitang nangyari ang insidente matapos magsumbong ang anak ng biktima na nakita niya ang suspek at kanyang nanay na magkayakap doon sa tabing ilog.

Kaagad umanong sumugod doon ang biktima kasama ang nagsumbong na anak, at doon sinasabing nakita niyang magkayakap ang dalawa.

Binato umano ni mister ang dalawa, subalit tumakbo ang suspek na kaagad naman nitong hinabol.

Pinaputukan umano ng suspek ng dalawang beses ang biktima na masuwerteng di tinamaan, bago sumakay ng kanyang motorsiklo at sumibat.

Samantala, naaresto at isinuko naman ng suspek ang kanyang Caliber 45 na may 6 na bala sa magazine sa mga pulis na umaresto sa kanya.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *