Connect with us

Aklan News

2 ARESTADO SA PAGBIBENTA AT PAGTATANIM NG MARIJUANA

Published

on

Photo| Aklan PDEU

Altavas – Dalawa ang arestado dahil sa pagbibenta at pagtatanim ng marijuana sa Talon, Altavas.

Nakilala ang mga suspek na sina Jomar Dela Cruz, 27 anyos, at Rhea Rapisora, 18 anyos ng nasabing lugar.

Sa isinagawang buy bust operation na pinangunahan ng PDEU o Provincial Drug Enforcement Unit, narekober mula kay Dela Cruz ang isang sachet ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana kapalit ng P500.00 na buy bust money.

Samantala, sinasabing itinuro ni Dela Cruz sa pulis na nagkunwaring buyer na ang kapit-bahay nitong si Rapisora ang may-ari at pinagkukunan umano nito ng Marijuana, rason ng kanyang pagkakaresto, lalo pa’t naaktuhan din umano ito ng pulis na pumuputol ng dahon ng Marijuana.

Narekober din mula sa kanya ang 13 halaman ng hinihinalang Marijuana.

Pansamantala silang ikinustodoya sa Altavas PNP Station para sa karampatang disposisyon, habang hinihintay pa ng mga taga PDEU ang resulta ng kanilang laboratory test.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *