Connect with us

Aklan News

WANTED SA KASONG ATTEMPTED HOMICIDE, ARESTADO

Published

on

Balete-Arestado bandang alas 7:30 kaninang umaga sa Sitio Indoy, Oquendo, Balete ang isang lalaking wanted sa kasong Attempted Homicide.

Sa joint operation ng Balete PNP, Numancia PNP, Aklan Trackers team, at Regional Intel Division, naaresto ang akusadong si Rommel Gregorio, 28 anyos ng nasabing lugar.

Sa bisa ito ng warrant of arrest na ibinaba ni Hon.Presiding Judge Joan Marie Vargas-Betita ng 3rd MCTC Malinao-Lezo-Numancia.

Kaugnay nito, pansamantalang ikinostodiya si Gregorio sa Balete PNP Station para sa karampatang disposisyon, subali’t pansamantalang makakalaya kapag makapagpiyansa siya ng P36,000.00.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *