Connect with us

Aklan News

WALANG KASO

Published

on

Nanlumo si mister matapos na hindi nakumbinsi ang mga pulis na arestuhin at sampahan ng kaso ang kanyang asawa na nahuli nya sa aktong nakikipaghalikan sa ibang lalake kahapon.

Muling bumalik sa Kalibo PNP Station ngayong umaga ang mister at pormal na inireklamo ang misis.

Pinayuhan umano kasi ito ng mga pulis kahapon na bumalik ngayong umaga at dalhin ang kanilang marriage contract.

Subali’t nalungkot ito nang hindi niya nakumbinsi ang mga pulis, lalo pa’t lumalabas sa imbestigasyon na paiba-iba ng salaysay ang mister.

May mga version umano kasi ito sa mga pulis kahapon na nakita niyang nasa akto pa lamang na magtatalik ang misis niya at kanyang kabit, habang sinabi rin umano nito sa barangay hall nang dalhin niya ang misis doon na naghahalikan lamang ang dalawa habang nakasuot ng manipis na sando at walang suot na bra si misis.

Kaugnay pa nito, ipinaliwanag sa kanya ng imbistigador na wala siyang konkretong ebidensya o nakitang nagtatalik nga ang dalawa, na isa naman sa mga mabigat na elemento sa kasong adultery.

Sa kabila nito, pinayuhan naman ang mister na maaari parin niyang sampahan ng kaso ang asawa, lamang na matibay na ang kanyang ebidensya.

Samantala, isinama rin ni mister sa presinto ang anak niyang lalaki, upang magbigay sana ng pahayag kaugnay ng pakikipaghalikan din umano noon ng kanyang ina sa kanyang kabit.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *