Connect with us

Aklan News

LALAKING NAKAHIGA SA KALSADA, NASAGASAAN NG MOTOR, PATAY

Published

on

Malinao — Patay ang isang lalaking nakahiga sa kalsada matapos umanong masagasaan ng motorsiklo bandang alas 7:30 kagabi sa Cabayugan, Malinao, partikular sa harap ng Cabayugan Elementary School.

Nakilala ang biktimang si Jonard Iman, 18 anyos, at ang driver ng motorsiklong nakasagasa umano sa kanya na si Rey Isuga, 18 anyos, pawang residente ng nasabing lugar.

Base sa inisyal na imbestigasyon, nagmomotorsiklo si Isuga at angkas nitong si Francis Iman, nang masagasaan umano nila ang biktima.

Kaagad namang nirespondehan ng mga taga MDRRMO at Malinao PNP ang insidente at dinala sa ospital ang biktima na nagtamo ng sugat sa ulo at katawan, subalit hindi na ito umabot ng buhay.

Samantala, kaagad naman umanong lumapit sa mga dumating na pulis si Isuga at sinabing nasagasaan nila ang biktima.

Pansamantala siyang ikinustodiya sa Malinao PNP Station para sa karampatang disposisyon.

Nagpapatuloy pa ang imbistigasyon ng mga pulis sa insidente.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *