Connect with us

Aklan News

MISTER, INIREKLAMO SA PULIS ANG MISIS NANG MAABUTANG NAKIKIPAGHALIKAN SA KANYANG KABIT

Published

on

MISTER INIREKLAMO SA PULIS ANG MISIS NANG MAABUTANG NAKIKIPAGHALIKAN SA KANYANG KABIT

Kalibo – Inireklamo ng isang mister sa Kalibo PNP ang kanyang misis matapos umanong maaktuhang nakikipagromansahan sa kanyang kabit kaninang hapon.

Ayon sa mister, umuwi siya galing sa pag-aararo nang maabutang wala sa kanilang bahay ang kanyang asawa, kung kaya’t kinutuban na umano itong baka nakipagkita ito sa kanyang kabit.

Kasunod nito, sumakay ng motorsiko si mister at pinuntahan ang bahay ng kabit ng kanyang asawa.

Nagkataon umanong nasa labas ang mga anak ng ‘lover’ ni misis, kung kaya’t dumiretso ito sa loob ng bahay, at pinasok ang kuwarto ng kabit.

Bigla umano nitong hinawi ang kurtinang nagsisilbing pintuan ng kuwarto at doon nakita ang dalawang naghahalikan, habang walang suot na tshirt ang lalaki, habang naka short at sandong manipis at walang bra ang kanyang misis.

Sa galit, bigla umano nitong hinila palabas ang asawa at kinaladkad papuntang barangay hall, kung saan siya pansamantalang nakadetene.

Samantala, napag-alamang ilang beses nang hindi umuuwi ang kanyang misis, at nai-withdraw pa nito ang P8,500.00 na laman ng kanilang 4Ps ATM at sinabing P6,500.00 lamang ang laman nito.

Naniniwala naman ang mister na dinala ng kanyang misis ang pera sa kanyang kabit, at hindi manlang nag-iwan para sa kanilang mga anak.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *