Connect with us

Aklan News

DAHIL SA TUMAWID NA BAKA, LALAKI NAAKSIDENTE SA MOTORSIKLO

Published

on

Photo| MDRRMO Kalibo

Kalibo – Sugatan ang isang lalaki matapos maaksidente sa motorsiklo matapos iwasan ang tumatawid na baka bandang alas 6:30 kagabi sa highway ng Linabuan Norte, Kalibo.

Nakilala ang biktimang si Glenn Quimpo, 38 anyos ng Carillo Road ng nasabing lugar.

Base sa imbestigasyon ng Kalibo PNP, galing sa Poblacion, Kalibo si Quimpo at papunta sana sa Banga nang may tumawid na baka.

Iniwasan umano niya ito, subalit siya naman ang sumemplang at nagtamo ng pinsala sa katawan.

Kaagad naman siyang dinala sa isang pribadong ospital kung saan siya ginagamot ngayon.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *