Connect with us

Aklan News

CONSTRUCTION WORKER NA NAGBIBENTA UMANO NG SHABU, ARESTADO SA BUY BUST

Published

on

CONSTRUCTION WORKER NA NAGBIBENTA UMANO NG SHABU ARESTADO SA BUY BUST

KALIBO – Arestado sa isang buy bust operation kaninang alas 6:20 ng gabi sa Diversion Rd, Sitio Tugbungan, Brgy. Pook, Kalibo ang isang construction worker.

Nakilala ang suspek kay Junel Olaguir y Mapisa alyas “Ungga”, 32 anyos, tubong Sto. Niño Village, Pob, Kalibo, Aklan at pansamantalang nakatira sa Sitio Tabay, Brgy. Mabilo, New Washington.

Narekober mula sa suspek ang isang plastic sachet ng hinihinalang shabu kapalit ng PHp 1,500 buy bust money.

Narekober pa ang isang plastic sachet ng hinihinalang shabu at P1,205 na pera nang isagawa ang body search sa suspek.

Pansamantala siyang ikinustodiya sa Kalibo PNP station para sa karampatang disposisyon.

Samantala, tumanggi namang magbigay ng pahayag ang suspek kaugnay ng pagkakaaresto sa kanya.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *