Connect with us

Aklan News

BABAENG PIPI AT BINGI, SINAKSAK MATAPOS MAGHUBAD

Published

on

Photo/Malbert Dalida/Radyo Todo Aklan/ makikita sa larawan ang suspek na si Eron Onayan habang nasa Kalibo lock-up cell.

Kalibo — Patuloy pang ginagamot ngayon sa ospital ang isang babaeng pipi at bingi na sinaksak matapos umanong maghubad sa Andagao, Kalibo.

Kaagad namang naaresto ang suspek na si Eron Onayan, 45 anyos ng nasabing lugar, na nasa impluwensiya ng alak nang mangyari ang insidente.

Base sa imbestigasyon, labis na umano ang kalasingan ng babae nang maghubo’t-hubad ito sa harap ng suspek at mga kasama nito.

Isinuot umano ng suspek sa babae ang hinubad niyang damit, subalit pinaghahampas naman siya nito.

Sinaway umano ito ng suspek, subalit nagwala ang babae at kumuha ng patalim at tinangka siyang saksakin.

Kasunod nito, tumakbo naman ang suspek at kumuha ng screw driver sa u-box ng kanyang motorsiklo at sinaksak ang babae.

Dahil dito, nagtamo ng sugat sa kanang bahagi ng likod at kaliwang baywang ang biktima na kaagad namang isinugod sa ospital.

Kaagad ding naaresto at ipinasok sa piitan ng Kalibo PNP Station ang suspek at nakatakdang sampahan ng kasong Frustrated Homicide ngayong araw.

Samantala, sinasabing madalas magwala at mag-iskandalo sa kanilang lugar ang babae sa tuwing nalalasing.

Nasampahan na ng kasong Frustrated Homicide ang suspek na si Eron Onayan, subali’t nakapagpiyansa umano ito ng P3,000.00 matapos mahulog sa slight physical injury ang kanyang kaso, base na rin sa 10 araw na healing period ng sugat ng biktima.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *