Connect with us

Aklan News

LALAKI, PATAY MATAPOS MABANGGA NG PATROL NG MALAY PNP, PULIS NA DRIVER NG PATROL, BINUGBOG

Published

on

Photo| Marc Tala-oc

Tangalan – Patay ang isang lalaki matapos mabangga ng patrol ng Malay PNP bandang alas 6:25 kagabi sa Tagas, Tangalan.

Nakilala ang biktimang si Alenor Sultan, 27 anyos ng Sitio Poeapo, Afga, Tangalan, habang nakilala rin ang nakabanggang pulis na si Police Corporal Anthony Blas Dalmacio, 31 anyos ng New Buswang, Kalibo, at assigned bilang driver sa Malay PNP.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Tangalan PNP, tumawid galing sa harap ng Catholic Cemetery si Sultan nang aksidente umano itong mabangga ni Dalmacio na galing Kalibo at papuntang Caticlan.

Sinasabing iniwasan pa sana ng pulis si Sultan, subalit nasapul niya parin ito at nakaladkad ng ilang metro.

Hinintuan naman umano ni Dalmacio ang biktima, ngunit kinuyog umano siya ng mga tao doon, at hinampas pa ng bote ng alak sa ulo.

Kapwa sila dinala sa ospital, subalit idineklrang dead on arrival si Sultan at naka hospital arrest ang police habang inihahanda ang kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide na isasampa laban sa kanya.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *