Connect with us

Aklan News

DALAWA, NABIKTIMA NG PAGKALUNOD, ISA PATAY

Published

on

LALAKING TUMAWID SA IRIGASYON, NALUNOD PATAY

Altavas – Isa ang patay sa dalawang nabiktima ng pagkalunod sa magkahiwalay na lugar at oras sa bayan ng Altavas Miyerkules ng hapon.

Nakilala ang unang biktima na si Marlon Alisasis, 27 anyos ng Poblacion, Altavas, at ang biktimang binawian ng buhay na si Rolly Nuneza Lerdon, 67 anyos ng Sitio Agingay, Linayasan, Altavas.

Base sa report ng Altavas PNP, inireport sa kanila ang unang insidente bandang alas 3:00 ng hapon na may nalunod sa ilog ng barangay Poblacion.

Kaagad rumesponde ang mga pulis, subalit nai-revive na umano si Alisasis at naisugod sa Altavas hospital na inilipat parin kinalaunan sa provincial hospital.

Samantala, bandang alas 5:40 ng hapon nang mangyari ang sumunod na insidente ng pagkalunod sa Linayasan na ikinasawi ni Lerdon.

Base sa imbestigasyon ng Altavas PNP, umuwi galing sa inuman sa isang kubo sa gitna ng palaisdaan ang biktima, subalit pinaniniwalaang nahulog sa box culvert doon at nalunod.

Sinasabing nadaanan na lamang ng isang nagngangalang Isidro Gregorio ang biktima doon na lumulutang.

Pinagtulungang inihaon ang biktima, subalit hindi na umano ito humihinga.

Sinubukan pa umano siyang irevive ng mga taga MDRRMO bago dinala sa ospital, ngunit idineklarang dead on arrival.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *