Connect with us

Aklan News

2 LALAKI, NAGSAKSAKAN SA LAMAY

Published

on

Kalibo — Parehong sugatan ang dalawang lalaki matapos magsaksakan sa isang lamay pasado alas 10:00 kagabi sa Purok 5 C.Laserna St., Poblacion, Kalibo.

Nakilala ang biktima na naunang nasaksak na si Robert Natalio, 32 anyos ng Purok 2, C.Laserna St., at ang suspek na nasaksak din na si Delmar Andrade, 27 anyos ng naunang nabanggit na lugar.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Kalibo PNP, nasa isang lamay doon si Natalio nang bigla na lamang umano itong sinaksak ni Andrade sa kaliwang tagiliran.

Subalit naagaw umano ni Natalio ang patalim ni Andrade at siya naman ang sinaksak nito sa dibdib.

Kaagad namang dinala ng mga tao sa ospital si Natalio, habang nakatakas at pinaghahanap pa si Andrade dahil hindi naman umano malubha ang tinamo nitong sugat.

Sinasabing may dati nang alitan ang dalawa bago paman nangyari ang insidente.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *