Connect with us

Aklan News

PROBINSYA NG AKLAN “COVID-FREE” NA – PHO

Published

on

Inanunsyo ni Dr. Cornelio “Bong” Cuachon Jr., na Covid-Free na ang probinsya ng Aklan sa pakikipag-usap ng Radyo Todo sa kanya.

 

Ito’y matapos mag-negatibo na sa nasabing sakit ang huling kaso ng repatriated OFW mula sa bayan ng Kalibo at Makato, ito ay naka base sa ipinalabas na official statement ng PHO kahapon June 23, 2020.

 

Huwag parin anyang makampante kahit na Covid-Free na ang status ng nasabing probinsya dahil inaantay pa ngayon ang resulta mula sa 58 katao na nakasalamuha ng isang BFP Personnel na positibo sa nasabing sakit.

 

Ang 57 na indibidwal ay mula sa Boracay samantala ang 1 ay galing naman sa Kalibo.

 

Tinatayang aabot sa 7 araw bago dumating ang resulta ng mga ito at nito lamang biyernes ipinadala ang mga swab samples.

 

Inaasahang ngayong linggo ito darating.

 

Pinapaalalahanan parin ng nasabing tanggapan na ugaliin parin ang pagsuot ng face mask at sundin ang social at physical distancing.

 

At kung nakakaramdam na umano ng ubo at sipon mas mabuting manatili nalang muna sa loob ng bahay.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *