Connect with us

Aklan News

LALAKI, KALABOSO SA PAGDADALA NG BARIL

Published

on

Kalaboso ang isang lalaki matapos mahulihan ng baril bandang alas 5:45 kahapon ng hapon sa Andagao, Kalibo.

Nakilala ang suspek na si Sammy Galupe, 44 anyos, tubong Lapaz, Tarlac at kasalukuyang residente ng Nalook, Kalibo.

Base sa police report ng Kalibo PNP, itinawag sa kanila ng isang naalarmang residente ang suspek na walang damit pang itaas at may baril sa kanyang baywang.

Dahil dito, kaagad rumesponde ang mga pulis at naaresto ang suspek.

Narekober mula kay Galupe ang isang automatic calibre 45 na baril na may serial number 6095363 na loaded ng magazine na may 6 na bala, 1 calibre 45 sa loob ng chamber, at 1 pang extra magazine na may 5 bala.

Kauganay nito, pansamantalang ikinustodiya sa Kalibo PNP Station ang suspek para sa karampatang disposisyon, habang nakatakdang dalhin sa crime lab ang mga narekober mula sa kanya.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *