Connect with us

Aklan News

COLLECTOR NG ASA LENDING COMPANY NA SINASABING BIKTIMA NG HOLDAP SA BAYAN NG BURUANGA, HINDI TOTOO

Published

on

Hindi totoong biktima ng hold-up ang isang Collector ng Asa lending Company sa bayan ng Buruanga.

Ito ang kinumpirma ni PMSgt. Rudy Dagohoy ang imbestigador ng nasabing kaso.

Kung matatandaan nangyari ang insidente noong mga nakaraang linggo sa Barangay Bil-is Buruanga Aklan.

Inamin umano ng collector na si Mark Kynell Sama sa kanilang suspervisor na hindi totoong nabiktima ito ng panghohold up.

Nagawa umano ng collector na magsinungaling sapagkat nawala niya ang perang P14k na collection habang ito ay naglalakad galing brgy. Bil-is at papunta na sa kanyang motor.

Hindi na rin umano intresado ang lending company na magsampa ng kaso matapos maibalik din ng suspek ang pera sa nasabing kompanya.

Ayon pa kay PMSgt. Dagohoy na malaki umano ang perwisyong ginawa ng nasabing collector sa matahimik na  bayan ng Buruanga matapos magdulot ito ng pangamba sa ilang mga residinte doon.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *