Connect with us

Aklan News

BINATANG HINAMON NG AWAY, SINAKSAK MATAPOS UMALMA

Published

on

Sugatan ang isang binata matapos saksakin bandang alas 8:30 kagabi sa Mambog, Banga.

Nakilala ang biktimang si Jonel Berdandino, 20 anyos ng nasabing lugar, at ang suspek na si Genesis Bautista, 19 anyos ng Agbanawan, Banga.

Base sa inisyal imbestigasyon ng Banga PNP, nakikipag-inuman sa mga kaibigan sa gilid ng kalsada ang biktima nang mapadaan ang suspek na sinasabing nasa impluwensiya rin ng alak.

Hinamon umano nito ng away ang biktima, rason na sinuntok nito sa ulo ang suspek na naging mitsa ng isang komosyon.

Kasunod nito, sinaksak umano ng suspek ang biktima sa tiyan na kaagad namang isinugod sa ospital.

Samantala, kaagad ring naaresto ang suspek at pansamantalang ikinustodiya sa Banga PNP station para sa karampatang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *