Connect with us

Aklan News

DALAWA, ARESTADO DAHIL SA ILLEGAL NA SUGAL

Published

on

Photos courtesy of Numancia PNP

Numancia – Dalawa ang arestado dahil sa iligal na sugal bandang alas 11:00 kagabi sa isang lamay sa Bubog, Numancia.

Nakilala ang mga naarestong sina Michael Sierra, 34 anyos ng Aliputos, Numancia at Vangie Lim, 42 anyos ng Poblacion, Kalibo.

Base sa report ng Numancia PNP, nakatanggap sila ng report mula sa Barangay Intelligence Network na may nagsusugal sa isang lamay doon, rason na kaagad ikinasa ang Anti-Illegal Gambling Operation.

Kasunod nito, nagpulasan ang iba pang nagsusugal umano doon, subalit naaresto ang dalawa matapos umanong maaktuhan na naglalaro ng ‘cara y cruz’.

Narekober naman ang kabuuang P784.00 na perang pang pusta at isang concrete table na ginagamit umano nila doon sa paglalaro ng cara y cruz.

Inaalam pa ng mga otoridad kung sino ang may-ari ng nasabing cara y cruz, habang nasa kustodiya naman ng Numancia PNP ang mga naaresto para sa karampatang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *