Connect with us

Aklan News

LALAKI, SINAKSAK NG KAINUMAN, SUSPEK ARESTADO

Published

on

Sugatan ang isang lalaki matapos saksakin ng mismong kainuman bandang alas 7:15 kagabi sa Poblacion, Madalag.

Nakilala ang biktimang si Generoso Juanito, 55 anyos, at ang suspek na si Dasel Nabor, 30 anyos, pawang residente ng nasabibg lugar.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Madalag PNP, magkasamang nakipag-inuman sa isang birthday celebration ang dalawa, hanggang sa hinatid pauwi ng suspek ang biktima.

Subalit nagtalo umano ang mga ito sa hindi pa natukoy na dahilan na nauwi naman sa pananaksak ng suspek sa biktima.

Nagtamo ng sugat sa tagiliran at dibdib ang biktima na kaagad ding dinala sa ospital, habang sumuko naman ang suspek sa presento ng Madalag PNP Station kung saan siya pansamantalang nakakustodiya.

Samantala, hindi na narekober pa ang kutsilyong ginamit ng suspek sa nasabing krimen.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *