Connect with us

Aklan News

WANTED SA KASONG RECKLESS IMPRUDENCE, ARESTADO

Published

on

New Washington – Arestado sa kasong Reckless Imprudence Resulting to Slight Physical Injury and Damage to Property ang isang lalaki bandang alas 5:00 kahapon ng hapon sa Jugas, New Washington.

Nakilala ang akusadong si Reynante Almanon, 40 anyos ng nasabing lugar.

Sa joint operation ng New Washington PNP, Aklan PPO Tracker’s team at CIDG, inaresto si Almanon sa bisa ng Warrant of Arrest na may Criminal Case No. 2036-A na ibinaba ni Hon. Judge Alicia A. Cruz Barrios ng MTC Kalibo nitong nakaraang May 28, 2020.

Pansamantala siyang ikinustodiya sa New Washington PNP Station para sa karampatang disposisyon, subalit pansamantalang makakalaya kapag makapagpiyansa ng P3, 000.00.

Kung maaalala, si Almanon ang nakabangga sa isang nagmomotorsiklo ring security guard na papasok sana sa kanyang duty sa Kalibo International Airport noong Disyembre ng nakaraang taon.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *