Connect with us

Aklan News

5 LANG ANG TURISTA SA BORACAY SA UNANG ARAW NG PAGBUBUKAS NITO

Published

on

Image|©Wall Street International

LIMA lang ang turistang nagtungo sa Boracay island sa unang araw na binuksan muli ito sa mga turista.

Ayon kay Mr. Felix Delos Santos, Malay Tourism Officer, ang limang lokal na mga turista ay mula sa bayan ng New Washington at nag stay sa Hennan Resort.

Sila ay isang grupo na kinabibilangan ng dalawang babae at 3 lalake na pumasok sa isla pasado alas 5 ngayong hapon.

Sa listahan ng Department of Tourism, may walong hotels sa Boracay ang nabigyan na ng Certificate of Authority to Operate at ito ay kinabibilangan ng Shangri-La, Coast Boracay Isles, tatlong Hennan Hotels, Paradise Garden, Hue Hotel at Seawind.

Napagkasunduan ng Boracay Inter Agency Task Force na mga taga Western Visayas lang muna ang pinapayagang makapasok sa isla.

Kailangang may pre booking sa mga otorisadong hotel ang turista bago ito papayagang makapasok.

Ang paliligo sa dagat ay mula alas 6 ng umaga hanggang alas 6 ng gabi sa mga designated na lugar.

Continue Reading
Advertisement
1 Comment

1 Comment

  1. Melissa Sabandal

    June 17, 2020 at 8:37 am

    Positive pa sa covid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *