Connect with us

Aklan News

MOTOR AT BISEKLETA, ‘INARARO’ NG TRAYSIKEL, 3 SUGATAN

Published

on

Kalibo – Tatlo ang sugatan matapos ‘araruhin’ ng traysikel ang isang motorsiklo at bisikleta bandang alas 12:20 kaninang tanghali sa Estancia, Kalibo.

Nakilala ang mga biktimang sina Mark Angelo Pastrana, 20 anyos ng Venturanza, Banga, at Hernanie Tolentino ng Estancia, Kalibo, at ang nakabanggang driver ng traysikel na si Mel Maigue, 37 anyos ng hindi na natukoy na barangay sa Batan, Aklan.

Base sa imbestigasyon ng Kalibo PNP, nagmomotorsiklo galing sa Estancia papuntang Poblacion, Kalibo si Pastrana nang mabangga ng traysikel na minamaneho ni Maigue.

Sinasabing nagtuloy-tuloy pa ang pa ‘zigzag’ na takbo ng traysikel at binangga naman ang kakasampa pa lamang umano sa kanyang mountain bike na si Tolentino.

Sanhi nito, pare-pareho silang nagtamo ng sugat sa katawan at isinugod sa ospital ngunit di kalaunan ay ikinustodiya sa Kalibo PNP Station si Maigue para sa karampatang disposisyon.

Napag-alaman na lasing si Maigue nang mangyari ang insedente.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *