Connect with us

Aklan News

SUSPEK SA STABBING INCIDENT, CONFINED SA OSPITAL DAHIL NAUNA NA PALANG SINAKSAK NG BIKTIMA KAGABI

Published

on

Naka hospital arrest ngayon ang suspek sa nangyaring pananaksak kagabi sa Purok 2 C. Laserna St., Poblacion, Kalibo.

Base sa follow up report ng Kalibo PNP, nabatid na nasa ospital at ginagamot na si Benjie Esteban matapos magtamo ng sugat sa dibdib matapos umanong saksakin ni Jerald Olds.


Nabatid na inaayos ni Benjie ang kanyang motorsiklo nang lumapit sa kanyang likod si Jerald at hinawakan sa leeg si Benjie.

Nagpumiglas umano si Benjie, subalit sinaksak siya ni Jerald sa dibdib.

Kasunod nito, nagawa pa umanong umuwi ni Benjie, subalit bumalik at hinintay ang nagmomotorsiklo na noong si Jerald at sinaksak sa kanang tagiliran.

Nauna namang lumabas sa imbestigasyon na tumakas si Benjie matapos ang insidente, habang isinugod sa ospital si Jerald.

Dating alitan ng dalawa ang itinuturong dahilan ng insidente.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *