Connect with us

Aklan News

PAMPASAHERONG VAN AT PICK UP, NAGSALPUKAN

Published

on

Photo| Nabas PNP

Nabas–Aksidenteng nagsalpukan ang isang pampasaherong van at pick up bandang alas 3:45 kaninang hapon sa Habana, Nabas.

Nabatid mula sa report ng Nabas PNP na 5 sa 6 na pasahero ng van ang dinala sa Malay Hospital para gamutin matapos umanong magtamo ng minor injuries, habang hindi naman nasugatan ang isa.

Base sa imbrstigasyon ng pulis, galing Kalibo papuntang Caticlan ang van na minamaneho ni Anthony Arnais Narciso, 43 anyos ng Cabayugan, Malinao nang aksidente umano itong mabangga ng Nisan Navarra pick up na minamaneho naman ni Norman Mangoba Menor, 35 anyos ng Osmeña Ave., Poblacion, Kalibo na galing naman ng Caticlan pauwing Kalibo.

Nag overtake umano si Menor sa sinusundan nitong sasakyan, subalit aksidente naman nitong nakasalpukan ang kasalubong na van.

Sanhi nito, kapwa nagtamo ng pinsala sa harapang bahagi ang mga sasakyan at nagtamo ng mga gasgas sa katawan ang hindi na pinangalanang mga pasahero.

Samantala, nagkasundo naman ang magkabilang panig na sasagutin ni Menor ang mga gastusin medikal ng mga pasahero at ang pinsalang idinulot ng aksidente sa pampasaherong sasakyan.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *