Connect with us

Aklan News

TOP 2 MOST WANTED PERSON NG BANGA PNP, ARESTADO SA ZAMBALES

Published

on

Arestado bandang alas 6:00 kagabi sa East Derita, San Antonio, Zambales ang Top 2 Most Wanted Person ng Banga PNP.

Nakilala ang akusadong si Archie Gaspar Dela Cruz, 40 anyos, tubong Bacan, Banga at residente ngayon ng naunang nabanggit na lugar.

Sa joint operation ng mga elemento ng Banga PNP at CIDG Bulacan, inaresto si Dela Cruz sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong murder sa ilalim ng criminal case no.5593 na ibinaba ni Hon.Thomas R. Romaquin, Presiding Judge, Branch 2 RTC 6, Kalibo, Aklan noon pang March 26, 2001.

Pansamantala siyang ikinustodiya sa CIDG Bulacan offfice para sa karampatang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *