Connect with us

Aklan News

LALAKING NANGHAMON NG AWAY, BINARIL

Published

on

Sugatan ang isang lalaking nanghamon umano ng away matapos barilin ng sumpak bandang alas 10:30 kahapon ng tanghali sa Paningayan, Madalag.

Nakilala ang biktimang si Joemarie Navarra, 43 anyos at ang suspek na si Mandy Tupaz, 31 anyos, pawang residente ng nasabing lugar.

Base sa imbestigasyon ng Madalag PNP, pauwi na galing sa palayan ang suspek nang sumigaw umano ito ng ‘ilabas’
(pananghalian) subali’t sumagot umano ang biktima na naroon din sa lugar ng tila nanghahamon.

Nagkainitan umano ang dalawa hanggang sa umuwi ang biktima at kumuha ng dalawang itak.

Binalikan umano nito ang suspek na may dala rin palang home made shut gun o sumpak at kinumpronta ang huli, subali’t binaril umano siya nito at tinamaan sa kanang tuhod.

Kasunod nito, kinuha umano ng suspek ang dalawang itak ng biktima at isinuko sa barangay tanod na si Benidecto Burunga.

Dinala naman sa pagamutan sa Madalag ang biktima habang umuwi muna ang suspek at isinuko naman sa chief tanod na si Ricardo Nacionales ang kanyang ginamit na baril.

Samantala, inilipat sa provincial hospital ang biktima habang nasa ko
Ustodiya pa ngayon ng Madalag PNP ang suspek para sa karampatang disposisyon.

Napag-alamang may dati nang alitan ang dalawa, na siya ring tinitingnang rason ng mga pulis kung bakit may dala-dalang baril sa kanyang bag ang suspek.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *