Connect with us

Aklan News

Malinao mayor, ipinagtataka kung bakit napasama siya sa listahan ng DILG

Published

on

Photo| https://zamboanga.com/

Inamin ni Malinao Mayor Josephine Equiña na ipinagtataka niya kung bakit napasama siya sa mga mayor na inisyuhan ng show cause order ng Department of Interior and Local Government (DILG) hinggil sa Social Amelioration Program (SAP).

Iginiit ni Equiña na nag-apela siya ng extension sa DSWD Region 6 para matapos ang pamamahagi ng first tranche ng SAP at pinagbigyan naman sila nito.

Pagdating umano ng May 10, natapos na nila ang 90.41% ng kabuuang 2, 109 na beneficiaries at nakahabol sa itinakdang deadline ng DILG.

Isa si Mayor Equiña at Mayor Abencio Torres ng Makato sa mga mayor sa Aklan na napasama sa 11 alkalde na inisyuhan ng show cause order ng DILG sa Western Visayas.

Una na ring inilahad ni Torres na natapos na niya ang 83.5% ng SAP distribution bago ang deadline.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *