Connect with us

Aklan News

LALAKI, SUGATAN MATAPOS MABANGGA NG LASING NA MOTORISTA

Published

on

Isinugod sa ospital ang isang lalaki matapos mabangga umano ng lasing na motorista mag-aalas 9:00 kagabi sa Nalook, Kalibo.

Nakilala ang biktimang si Dezardo Espino Zaulda, 21 anyos at ang nakabanggang motorista na si Jayare Clarinal Ancheta, 35 anyos pawang residente ng nasabing lugar.


Base sa imbestigasyon ng Kalibo PNP, nakatayo lamang sa labas ng bahay ng kanyang kapatid si Zaulda nang mabangga umano ng nagmomotorsiklong si Ancheta na galing sa isang inuman sa Tigayon.

Resulta, nagtamo ng sugat at pinsala sa katawan ang biktima na isinugod kaagad sa ospital.

Pansamantala namang ikinustodiya sa piitan ng Kalibo PNP Station para sa karampatang disposisyon si Ancheta na iginiit na nakainom lamang siya at hindi lasing nang mangyari ang insidente.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *