Connect with us

Aklan News

SEKYU, TINAGA NG KAINUMAN

Published

on

Libacao – Sugatan ang isang sekyu matapos tagain ng kainuman bandang alas 11:00 kagabi sa Poblacion, Libacao.

Bagama’t duguan, nagawa pa ring pumunta sa estasyon ng pulis ang biktimang si Jolord Villorente Zomel, 28 anyos ng nasabing lugar upang ireklamo ang suspek na si Joe Marie Gallon Zapanza, 48 anyos ng Janlud, Libacao.

Base sa imbestigasyon ng Libacao PNP, nag-iinuman ang dalawa kagabi sa compound ng Libacao Forestry Vocational School kung saan nakaduty ang biktima, subalit nagtalo umano ang mga ito sa hindi natukoy na dahilan.

Kasunod nito, sinasabing sinuntok ng biktima ang suspek rason naman na tinaga umano siya ng huli.

Tinamaan ang biktima sa kanang tenga rason na dinala siya sa isang pagamutan sa Libacao matapos magsumbong sa mga pulis.

Kaagad namang naaresto ang suspek at pansamantalang ikinustodiya sa Libacao PNP Station habang inihahanda ang kasong Frustrated Homicide na isasampa laban sa kanya.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *