Aklan News
MAYOR TORRES SA DILG: “We are ahead of the deadline”

Published
8 months agoon

Sumagot na si Makato Mayor Abencio Torres hinggil sa show cause order na inilabas ng Department of Interior and Local Government (DILG) laban sa mga mayors na nabigong makaabot sa deadline ng Social Amelioration Program (SAP) distribution.
“We are ahead of the deadline kasi natapos kami on May 6, “ ani Torres sa panyam ng Radyo Todo kaninang umaga.
Iginiit ng alkalde na May 6 palang ay nakasumite na sa kanya ng report ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) at municipal treasurer’s office na naabot na nila ang 83.5% ng SAP distribution.
“Hindi ko naintindihan ang show cause order because the wording is that we were not able to complete the distribution of the amelioration fund, I was thinking na barangay to barangay that is why I am insisting na natapos kami” saad pa ni Torres.
Pinabulaanan rin ng alkalde ang balita na hindi siya pumapasok sa kanyang opisina ngayong panahon ng krisis dahil lagi umano itong nasa kanyang opisina.
Kaugnay nito, ipinahayag niya na naghahanda na sila para sa third wave at mayroon na silang P8 milyon na pondo mula sa Bayanihan Act na maaaring gamitin sa gastusin ng mga quarantine facilities para sa Balik Probinsya Program.
You may like
-
Non-working holiday bukas, idineklara ng LGU-Makato para sa kapistahan ni Senior Sto Niño
-
PNP MAG-IIKOT SA KABAHAYAN SA MAKATO SA DARATING NA PISTA NI SR. SANTO NIÑO
-
4 KALABOSO SA ILEGAL NA SUGAL
-
LASING NA NANGLAS-LAS NG LEEG, ARESTADO
-
DRAYBER, KINAGAT SA BAYAG NG DATING LIVE-IN PARTNER
-
28 ANYOS NA LALAKI, BINARIL NG KAINUMAN, PATAY