Connect with us

Aklan News

LASING, SUGATAN MATAPOS MAAKSIDENTE SA MOTOR

Published

on

Image|Malay PNP

Sugatan ang isang lasing na rider ng motorsiklo matapos maaksidente pasado alas 8:00 kagabi sa Barangay Motag, Malay, malapit sa boundary ng Barangay Nabaoy.

Kinilala ng Malay PNP ang babaeng biktima na si Christiane Aguire Casimero, 32 anyos ng Argao, Malay na residente rin ng Barangay Nabaoy.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Malay PNP sa mismong ina ng biktima, posibleng pauwi na galing sa isang inuman ang biktima, at posibleng nawalan ng kontrol sa pagmamaneho pagdating sa paakyat at palikong kalsada.

Sanhi nito, nagtamo ng sugat sa ulo at ibang parte ng katawan ang biktima na kaagad din dinala sa isang ospital sa Kalibo ng mga rumespondeng taga MDRRMO.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *