Connect with us

Aklan News

2 MAYORS SA AKLAN, INISYUHAN NG SHOW CAUSE ORDER NG DILG KAUGNAY SA SAP

Published

on

NAKASAMA ang dalawang alkalde mula sa Aklan sa 11 mga mayor na inisyuhan ng show cause order ng Department of Interior and Local Government (DILG) dahil sa isyu ng Social Amelioration Program (SAP) Subsidy.

Sa inilabas na listahan ng DILG central office, pasok sa listahan sina Mayor Abencio Torres ng Makato at Mayor Josephine Iquiña ng Malinao.

Ayon kay DILG Region 6 director Ariel Iglesia, hindi nila na-meet ang 80 percent distribution ng SAP sa ikalawang deadline na itinalaga noong May 10.

Binigyan lamang sila ng 48 oras para magpaliwanag kung bakit hindi nila nagawang maabot ang deadline.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *