Connect with us

Aklan News

TINDAHAN INARARO NG SASAKYAN SA NABAS, 3 SUGATAN

Published

on

Tatlo ang sugatan kabilang ang may-ari ng tindahang inararo ng isang sasakyan kagabi sa Pandan-Nabas junction sa Brgy. Solido, Nabas, Aklan.

Lumalabas sa imbestigasyon ng Nabas PNP na ang minamanehong Toyota Prado ni Jay Mark Yutob De Asis, 25-anyos, ng Brgy. Gibon ay nag-overshoot at bumangga sa tindahan na pagmamay-ari ni Fe Ladera Quisoy, 49-anyos, residente ng Brgy. Magallanes, Nabas.

Mula ang sasakyan sa Ibajay papunta sa direksyon ng Nabas ngunit pagdating sa lugar ay nag-over shoot at dumiretso sa tindahan kung saan natutulog si Quisoy.

Dahil dito nagtamo ng sugat ang mga biktima kabilang ang isang pasahero ng sasakyan na si Bryan Baliguat Caigoy, 22-anyos at resident eng Brgy. Alimbo Baybay.

Mabilis na dinala ang mga biktima sa Ibajay District Hospital para sa agarang gamot habang patuloy pa ang imbestigasyon ng Nabas PNP.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *