Connect with us

Aklan News

LALAKI, TINAGA NG SARILING BAYAW

Published

on

Malinao – Nasa kustodiya pa ngayon ng Malinao PNP Station ang suspek sa pananaga sa sariling bayaw bandang alas 3:00 kahapon ng hapon sa San Roque, Malinao.

Kaugnay pa nito, nakikipag-ugnayan pa ang Malinao PNP sa asawa ng biktimang si Roger Irupang sa kung ano ang magiging disposisyon nila sa suspek na si Hernanie Relembo.

Nabatid sa imbestigasyon ng Malinao PNP na nakikipag-inuman kahapon sa labas ng kanilang bahay ang suspek sa isang kaibigan nang dumaan ang biktima.

Sinundan umano ito ng suspek at bigla na lamang pinagtataga na tinamaan sa kaliwang tenga at kanang kamay.

Kaagad siyang dinala sa ospital, habang naaresto naman ang suspek at narekober ang ‘espadeng’ na ginamit umano nito sa pananaga.

Sinasabing may dati nang alitan ang magbayaw na magkapit-bahay lang din sa San Roque.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *