Connect with us

Aklan News

9 Taong gulang na bata nalunod, patay

Published

on

Pasado alas 10 na kagabi nang makita ng mga rescuer ang bangkay ng 9 na taong gulang na batang lalaki na nalunod sa ilog sa bahagi ng Cupang, Banga na naligo kahapon ng hapon.

Nakilala ang biktimang si James Carl Javier, ng Cerrudo, Banga.

Sa pag-iimbistiga ng Radyo Todo, bandang ala 1:30 kahapon ng hapon nang umalis ang biktima kasama ang dalawang kapatid at ilan pang kabarkada upang bumili ng kalapati malapit sa highway.

Subalit nagulat na lamang umano ang mga ito nang biglang tumakbo papunta sa ilog ang bitima at naligo.

Humabol umano ang kanyang mga kasama, subalit ilang saglit lamang ang nakalipas nang makita nila ang biktima na nalulunod.

Kaagad umano silang nagpasaklolo sa isang driver ng bakhoe, subalit nabigo itong iligtas ang bata dahil sa lakas ng agos ng tubig.

Samantala, kaagad namang nagsumbong kay Analyn nanay ng biktima ang mga bata, na mabilis ding nagtungo sa lugar.

Aminado naman ang ina na hindi nagpaalam ang biktima kung saan sila pupunta, kung kaya’t nagulat na lamang ito sa nangyari.

Napag-alaman pang magdiriwang sana ng kanyang ika-10 taong kaarawan sa darating na Lunes ang bata.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *