Connect with us

Aklan News

6 ARESTADO SA PAGLABAG SA CURFEW

Published

on

Anim ang arestado bandang alas 9:20 kagabi sa Navitas, Numancia dahil sa paglabag sa curfew.

Nakilala ang mga naaresto na sina Jomar Alarcon 19 anyos; JR Dela Cruz 20 anyos; Ryan Geronimo 24 anyos; Kimberly Ann Tillo 21 anyos; Albert Dela Cruz 26 anyos at Pat Tillo 21 anyos, lahat residente ng Calangcang, Makato.

Base sa report ng Numancia PNP, nabatid na nirespondehan muna ng mga pulis sina Jomar at Pat matapos umanong bumangga sa pader ang sinasakyan nilang motorsiklo sa unang nabanggit na lugar.

Subalit tumanggi umanong magpagamot sa ospital si Pat kahit may sugat siya sa ulo, at sinabing hihintayin na lamang nila ang 4 pa nilang kasama.

Ilang sandali pa, dumating ang kanilang hinihintay, subalit nakipagdiskusyon umano ang mga ito sa mga pulis at iginiit na wala silang kasalanan kahit lumabag sila sa curfew.

Sa huli, inaresto pa rin sila at pansamantalanang ikinustodiya sa presento para sa karampatang disposisyon.

Patuloy namang inihahanda ng Numancia PNP ang kasong Resistance at Disobedience na isasampa sa mga arestado.

Nabatid na pawang nasa impluwensiya ng alak ang nasabing grupo nang makipagtalo umano sa mga otoridad.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *