Connect with us

Aklan News

LALAKING NAGPOST MA MAGBIBIGAY NG P100M SA MAKAPATAY KAY PRES. DUTERTE, ARESTADO

Published

on

Arestado ng Boracay pnp Ang isang habal habal driver matapos itong mag post sa kanyang Facebook account na magbibigay ng 100 milyon pesos kung sino man ang makakapatay kay Pres. Duterte.

Nakilala ang suspek na si Ronald Quiboyen 40 anyos, na taga Zamboanga sibugay, at pansamantalang nangungupahan sa isang Compound sa Sitio Hagdan, Brgy Yapak, Boracay island, Malay, Aklan.

Naaresto ang nasabing suspek matapos makatangap ng impormasyon ang Boracay PNP sa kanyang kinarurounan.

MGA dkong alas 7:00 kagabi ay na locate nina Pssgt. Juno Gregorio at Pat. Doremon ang tinitirahan ng suspek sa Sitio Hagdan, Yapak Boracay kaya agad nila itong inaresto..

Ayon sa Boracay pnp ay hindi nagsasalita ang suspek kung bakit niya nagawang mag post sa kanyang Facebook account.

Tinurn over na ang suspek sa CIDG Aklan at posibleng mahaharap ito sa kasong paglabag SA R.A 10175 inciting to sedition in Relation to Cyber Crime Prevention act of 2012.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *