Connect with us

Aklan News

MOTOR NA MINAMANEHO NG LASING SUMALPOK SA TRAYSIKEL, 2 SUGATAN

Published

on

Photos|PSsgt.Elmar Relente

Dalawa ang sugatan matapos sumalpok ang isang motorsiklo sa traysikel bandang alas 6:30 kagabi sa Tabayon, Banga.

Nakilala ang mga biktimang sina Francis Jayco Isturis, 25 anyos na drayber ng motorsiklo at residente ng Taba-ao, Banga, at ang 17 anyos na si Andrea May na anak ng traysikel driver na si Danny Serenuela, 58 anyos ng Tabayon, Banga.

Base sa imbestigasyon ng Banga PNP, pauwi na sana ang mag-ama galing sa talipapa nang aksidenteng mabangga ng motorsiklo na minamaneho ng lasing na si Isturis.

Resulta, nagtamo ng malubhang sugat sa ulo si Isturis habang nagtamo naman ng mga sugat sa paa at siko ang dalagita.

Kaagad silang dinala sa ospital, habang mapalad namang hindi nasugatan ang amang driver.

Ayon pa sa Banga PNP, galing sa Libas, Banga kung saan posibleng nakipag-inuman doon si Isturis bago ang insidente kung saan sinasabing mabilis ang kanyang pagmamaneho ng motorsiklo.

Pansamantala namang nasa kustodiya ng Banga PNP Station ang motorsiklo at trisekel para sa karampatang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *