Connect with us

Aklan News

WANTED SA KASONG PAGPATAY AT PAGNANAKAW SA ISANG COLLECTOR SA LIBACAO, ARESTADO

Published

on

File Photo│Bangkay ng 24 anyos na si John Rey Sarbues Modera

Arestado dakong alas 7:00 kaninang umaga sa Sitio Tagaytay, Loctuga, Libacao ang isang lalaking wanted sa kasong pagnanakaw at pagpatay umano sa isang collector noong nakaraang taon.

Sa joint operation ng Aklan Trackers Team at Libacao PNP, naaresto ang akusado na si Ariel Rantugan Gardose, 31 anyos, isang magsasaka at residente ng Loctuga, Libacao.

Inaresto siya sa bisa ng Warrant of Arrest na may Criminal Case Number 15325 na ibinaba ni Presiding Judge Hon. Montalid P. Patnubay Jr., ng Branch 9, RTC, Kalibo, Aklan nito lamang March 4, 2020.

Pansamantalang nasa kustodiya ng trackers team ang akusado para sa karampatang disposisyon. Samantala, magugunita na tinambangan at binaril-patay noon ang biktimang collector ng ASA Phils. na si John Rey Sarbues Modera, 24 anyos ng Lemery, Iloilo bandang alas 3 ng hapon noong July 26, 2019.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *