Connect with us

Aklan News

Sasakyan bumangga sa concrete barrier sa tulay ng Bulwang, Numancia

Published

on

Isang kotse ang bumangga sa concrete barrier ng Kalibo Numancia Bridge mga bandang 11:10 ng gabi.

Nakilala ang driver nito na si James Levosada, 38 anyos residente ng Legaspi Village, Numancia.

Base sa impormasyon, galing ito sa Kalibo at papauwi na sana sa Numancia, ngunit pagdating sa dulo ng tulay sa Bulwang ay bumangga ito sa semento.

Sasakyan bumangga sa concrete barrier sa tulay ng Bulwang, Numancia

Agad namang renespondihan ng MDRRMO Kalibo, MDRRMO NABAS at PDRRMO pati rin ang nurse ng Provincial Hospital na napadaan lang sa lugar.

Isinugod ito sa St. Gabriel Hospital at kalaunan ay inilipat rin sa Dr. Rafael S Tumbukon Memorial Hospital.

Nagtamo ng gasgas sa kamay at dinadamdam nito ang kanyang dibdib at pa-a sa lakas pagkabangga nya sa tulay.

Sa ngayon patuloy pa ang sinasagawang imbestigasyon ng Numancia PNP hinggil sa pangyayari.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *