Connect with us

Aklan News

LALAKING NANAKAL, SINAKSAK

Published

on

Malinao – Patuloy pa ngayong inihahanda ng Malinao PNP ang kasong Frustrated Homicide na isasampa sa lalaking sumaksak sa kamag-anak na nanakal umano sa kanya kahapon ng hapon sa Kinalangay Viejo, Malinao.

Nakilala ang biktima ng pananaksak na si Leo Carlo Rondario, 25 anyos at ang kamag-anak din nitong suspek na si Romel Isuga, 18 anyos, pawang residente ng nasabing lugar.

Base sa imbistigasyon ng Malinao PNP, nagmomotorsiklo ang suspek nang parahin umano ito ng biktima at sinakal sa hindi nalamang dahilan.

Naawat umano ng isang kagawad ang biktimang nasa impluwensiya pala ng alak, subalit muli umanong nagkakomosyon ang dalawa hanggang sa sinaksak ng suspek ang biktima na tinamaan sa ibaba ng kanyang kanang dibdib.

Kaagad dinala sa ospital ang biktima, habang arestado naman ang suspek na kinuha ng mga pulis sa barangay check point.

Pansamantala siyang nasa kustodiya ng Malinao PNP Station pati na ang kutsilyo nitong ginamit para sa karampatang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *