Connect with us

Aklan News

1 [SAP] BENEFICIARY at 2 pa, Arestado sa ilegal na SUGAL

Published

on

New Washington-Nasa kustodiya pa ngayon ng New Washington PNP ang isang SAP o Social Ameliorarion Program Beneficiary at dalawa pang kasama nito matapos maaresto bandang alas 11:30 kahapon ng tanghali sa Sitio Pangpang, Lawaan, New Washington dahil sa ilegal na sugal.

Nakilala ang mga suspek na sina Hede Remetio, 67 anyos, Rossana Martesano, 44 anyos, at Liza Pelante, 44 anyos, lahat residente ng nasabing lugar.

Ayon sa New Washington PNP, itinimbre sa kanila ng mga concerned citizens ang pagsusugal umano ng tatlo sa labas ng bahay mismo ni Remetio.

Kaagad namang sinalakay ng mga pulis ang lugar at naaktuhan umano ang pagto-tongits ng tatlo, resulta ng kanilang pagkakaaresto.

Kaugnay nito, narekober ang isang set ng baraha at kabuuang P200.00 mula sa mga suspek.

Samantala, inihahanda na ng New Washington PNP ang kasong paglabag sa PD 1602 o Anti-Illegal Gambling Laws laban sa mga suspek.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *