Connect with us

Aklan News

TAGA MALAY NA NAMATAY, NEGATIVE SA COVID 19 TEST

Published

on

TAGA MALAY NA NAMATAY, NEGATIVE SA COVID 19 TEST

Malay, Aklan – KINUMPIRMA ni Aklan Provincial Health Officer Dr. Cornelio Cuachon, Jr., na NEGATIBO sa COVID 19 ang lalakeng namatay na naging suspected case noong nakaraang linggo.

Ayon kay Dr. Cuachon na alas 8 kagabi ay natanggap nila ang email ng result ng confirmatory test sa specimen sample nito mula sa Western Visayas Medical Center Sub-National Laboratory.

Matatandaang namatay at agad na sinunog sa crematorium sa Iloilo ang bangkay ng isang 26 na taong gulang na lalake na nakaranas ng Severe Acute Respiratory Infection alinsunod sa protocol ng Department of Health (DOH).

Pero nakunan nila agad ng specimen sample pinadala sa WVMC sa Iloilo city.

Base sa bagong classification ng COVID-19 na inilabas ng DOH, ang pasyente ay nabibilang sa SUSPECTED CASE C dahil mayroon siyang SEVERE ACUTE RESPIRATORY INFECTION na hindi matukoy ang kadahilanan o UNKNOWN CAUSE.

Dakong 1:45 ng hapon noong April 16, ang pasyente ay dinala sa Dr. Rafael S. Tumbokon Memorial Hospital (DRSTMH) sa Kalibo gamit ang ambulansyang nakatalaga para sa COVID-19.

Nang malaman na namatay na ang pasyente, ang Municipal Health Office (MHO) ng Malay ay nagsagawa kaagad ng imbestigasyon at CONTACT TRACING sa mga nakasalamuha ng pasyente na umabot sa 29.

Ang mga ito ay isinailalim muna sa quarantine at maari na ring ihinto dahil sa bagong resulta ng test sa nasabing pasyente.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *