Connect with us

Aklan News

BINATANG MAY EPILEPSY, NATAGPUANG PATAY

Published

on

Patay na nang matagpuan bandang alas 5:20 kahapon ng hapon sa dalampasigan ng Sitio Bato-Fatima, New Washington ang isang binatang may epilepsy.

Isa itong 24 anyos na lalaki na residente rin ng nasabing lugar.

Base pa sa report, itinawag mismo ni Kagawad Reneboy Custodio sa New Washington PNP ang insidente na kaagad namang nagsagawa ng imbestigasyon sa lugar.

Dumating din ang mga taga MDRRMO at kinuha ang bangkay ng binata at dinala sa RHU para sa post mortem examination.

Nakausap naman umano ng mga otoridad ang babaeng kapatid ng biktima na si Elsie Delos Reyes na siya ring nagkumpirma sa karamdaman ng kapatid.

Posible rin umanong inatake ng epilepsy ang biktima habang namimingwit kahapon kung kaya’t kumbinsido rin silang walang foul play sa kanyang pagkamatay.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *