Aklan News
Miyembro ng Boracay PNP, nawala sa katinuan

Published
10 months agoon

Nawala sa katinuan ang isang myembro ng Boracay PNP sa hindi pa matukoy na dahilan.
Kinuha ito ng mga kapwa niya pulis sa may So. Cagban, Manocmanoc kahapon matapos mag report ang isang concerned citizen na naglalakad ito na walang damit pang itaas at naka short lamang.
Sa inisyal na impormasyon, hindi problema sa babae o pag iwan ng nobya nito sa kanya ang dahilan ng pagkawala nito sa katinuan taliwas sa naunang napabalita.
Patuloy ang ginagawang pakikipag ugnayan ng Boracay PNP sa pamilya ng nasabing pulis para sa agarang gamutan. Ganon din ang pag alam sa history ng mental state nito.
May ilang buwan pa lang umanong naassign sa Boracay PNP ang nasabing pulis na may ranggong patrolman.
You may like
-
RESORT SA BORACAY, ISINAILALIM SA DISINFECTION DAHIL SA MGA EMPLEYADO NA NAGPOSITIBO SA COVID-19
-
DATING BILANGGO DAHIL SA DROGA, ARESTADO SA BUYBUST
-
DAHIL SA NAIWANG NAKASINDING KANDILA, BAHAY NASUNOG SA BORACAY
-
6 NA MGA TURISTA SA BORACAY, HINULI DAHIL SA PAGGAMIT NG PEKENG NEGATIVE RT PCR RESULTS
-
6 NA MGA TURISTA SA BORACAY, HINULI DAHIL SA PAGGAMIT NG PEKENG NEGATIVE RT PCR RESULTS
-
BAKIT MAY ISANG TURISTA NA NAKAPASOK SA BORACAY KAHIT COVID POSITIVE?