Connect with us

Aklan News

MANGINGISDA, NATAGPUANG PATAY

Published

on

BATAN-Patay na nang matagpuan ang isang mangingisda dakong alas 5:30 kahapon ng hapon sa Sitio Langka, Camaligan, Batan.

Nakilala ang biktimang si Robert Merencilla Orquiola, 46 anyos ng District 9, Pinamuk-an, New Washington.

Base sa ulat ng Batan PNP, nakita nina Lilian Abayon at Teresa Martesano ang mangingisda na nakadapa sa putikan ng ilog malapit sa kanyang bangka.

Kaagad namang tinungo ng Batan PNP ang lugar matapos matanggap ang impormasyon bandang alas 7:00 kagabi at pinakuha sa kanyang pamilya ang bangkay ng biktima.

Batay pa sa imbestigasyon ng Batan PNP, mag-a alas 5:00 kahapon ng madaling araw umalis sakay ng kanyang bangka ang biktima, subali’t bangkay na ito nang matagpuan.

Samantala nagpapatuloy pa ang imbestigasyon kung saan kinumpirma ng Batan PNP na walang anumang nakitang sugat sa katawan ng biktima.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *