Connect with us

Aklan News

Lasing na motorista, dinampot sa paglabag ng curfew

Published

on

Boracay Island – Dinampot ng mga kapulisan ang isang lasing na motorista matapos lumabag sa curfew kagabi sa Sitio. Bolabog, Balabag, Boracay Island.

Kinilala ang suspek na si Franklin Fuenllona, 25 anyos, residente ng Balabag, Boracay.

Sa ulat ng Malay PNP, napansin nilang lasing ang suspek habang nagmamaneho ng motorsiklo kaya’t pinatigil nila ito ngunit dumiretso pa ito at nagpahabol sa mga pulis.

Hinanapan siya ng kaukulang dokumento ngunit wala itong maipakita dahilan na inaresto ito sa paglabag sa Provincial Executive Order 020, Sec 9 (Curfew) na Sec 10 na Prohibition of Liquor.

Ikinustodiya ang suspek at ang kanyang motorsiklo sa Malay PNP station para sa karampatang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *